GMA Logo Its Showtime family
PHOTO COURTESY: GMANetwork.com, @praybetbenjamin (Instagram)
What's on TV

Vice Ganda, thankful sa mga patuloy na sumusuporta sa 'It's Showtime'

By Dr. Jean Marquez
Published July 21, 2026 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos summons Chinese ambassador over Ayungin Shoal incident
Quirino farmers receive 200 breeder pigs
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

Its Showtime family


Nagwagi ang Unkabogable Star na si Vice Ganda bilang Best Host for Entertainment habang pinarangalan ang 'It's Showtime' bilang Best Variety Show sa 1st FAMAS Broadcast Awards 2026.

Panalo sa paghahatid ng saya at good vibes ang noontime variety program na It's Showtime.

Patunay rito ang natanggap na parangal ng programa na nagwagi bilang Best Variety Show sa 1st FAMAS Broadcast Awards 2026. Tinanggap ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang nasabing award at labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa It's Showtime.

Thankful din ang seasoned host-comedian sa bumubuo ng It's Showtime, sa ABS-CBN, at sa GMA Network dahil sa pagbibigay ng tahanan sa kanilang programa.

"Sa panahon ngayon kasi napakahirap na pong mag-mount ng programa dahil ang dami ng iba't ibang pinanonood ng mga tao sa iba't ibang plataporma, pero ang Showtime po ay nananatiling isa sa mga paborito ng Madlang People kaya maraming, maraming, salamat. Showtime still continues to thrive kahit napakaraming challenges na pinagdaanan ng programang ito," pagbabahagi niya sa kanyang speech.

Dagdag niya, "Lalo na 'yung Solid Showtimers na nandito, alam na alam n'yo kung ano ang pinagdadaanan ng programa namin ever since. Pero dahil sa pagpapala ng Panginoon, sa tulong ng napakarami, sa suporta ng napakaraming tao, at sa pagpupursigi ng lahat ng mga taong nasa likod ng programang ito--ang aming direktor, ang lahat ng aming writers, ang aking mga co-host. Patuloy kaming nabibigyan ng oportunidad na makapagpasaya ng Madlang People."

Natutuwa rin si Vice Ganda na patuloy na sinusuportahan ng mga manonood ang It's Showtime sa kabila ng mga pagsubok ng kinaharap nito.

"Thank you very much to the Madlang People for making It's Showtime the most relevant noontime show now. Maraming, maraming, maraming salamat po," aniya.

Bukod dito, nagwagi rin si Vice Ganda bilang Best Host for Entertainment sa FAMAS Broadcast Awards 2026.

Samantala, patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Related gallery: The most stylish looks of 'It's Showtime' hosts