
Isang masaya at heartwarming moment ang nasaksihan sa nakaraang episode ng It's Showtime.
Bumisita at nakisaya ang viral face paint kid na si Lian sa segment na “Karaokids” ng noontime variety show kasama ang It's Showtime kids na sina Argus, Kulot, Jaze, at Enicka.
Tila natupad ang pangarap ni Lian na maging artista dahil ipinaranas sa kanya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang maging bahagi ng afternoon show.
“Dream niya 'to. Sabi niya, gusto niya rin daw maging artista, makita sa TV. Kaya sabi ko, 'Halika ipapa-experience ko sa'yo, dadalhin kita sa Showtime.' Kailangan siyempre mag-apply pa ng DOLE, kaya hindi ko siya nadala agad. Noong naayos na 'yung papeles niya, ayan,” kwento ng seasoned comedian at host.
Ayon pa sa host-comedian, naka-bonding niya sina Lian at iba pang Batang Cutepos sa isang amusement park sa Cubao.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
SAMANTALA, TIGNAN ANG STYLISH LOOKS NI VICE GANDA SA GALLERY NA ITO.