GMA Logo Coney Reyes with Mayor Vico Sotto
What's Hot

Vico Sotto, binigyan ba ng special treatment si Coney Reyes sa COVID-19 vaccination program?

By Bianca Geli
Published April 13, 2021 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Coney Reyes with Mayor Vico Sotto


Nabakunahan na ba si Coney Reyes sa ilalim ng COVID-19 vaccination program ng kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto?

Sa nakaraang Facebook Livestream ni Pasig Mayor Vico Sotto noong April 12, hinikayat niya ang mga Pasigueño na magparehistro sa COVID-19 vaccination program ng lungsod at huwag pangunahan ang mga naunang magparehistro sa bakuna.

“Strictly, no walk-in. Pinipilit natin na maging maayos yung sistema. Kung nagkukumpulan tayo, baka doon pa magkahawahan. Huwag po tayong mainip.” pahayag ni Vico.

Idiniin ni Vico na walang special treatment ang vaccination program. Kahit ang ina ni Vico, na si Coney Reyes ay hindi pa umano nababakunahan.

“Nanay ko nga mismo, hindi pa nababakunahan. Baka next week.

"Si mama, senior citizen, 67 years old po ang nanay ko. May comorbidities pa po siya.

“Lumalabas pa siya kapag may trabaho. So dapat din talaga mabakunahan. Pero walang palakasan. Dumaan po sa tamang proseso. Nag-fill up siya ng form."

“Hinihingi niya pa nga sa akin 'yung link. Sabi ko, 'Tingnan mo na lang sa PIO (Public Information Office), Ma, kung saan 'yung link," dagdag ni Vico.

"Medyo kinakabahan din siyang mabakunahan pero willing din naman siya."

Paliwanag din ni Vico, maghihintay muna ng schedule ang ina bago pumunta sa designated vaccination site. "Kailangan i-text muna ng vaccination profiler ng team kung kailan ang schedule niya."

Dagdag ni Vico, kadalasan ang mga may tattoo sa braso ay sa ibang parte ng katawan binabakunahan.

"Minsan kasi kapag may tattoo, bawal magpaturok sa braso. Hindi pwede sa tattoo side magpa-injection, so minsan may nagpapadala sakin, nakadalawa na 'ata, picture nila na nabakunahan sa pwet.

"Okay lang naman mabakunahan sa pwet. Normal 'yan, medical naman ang usapan e pero pakiusap 'wag n'yo na po i-send sa akin. Ang dami ko na pong iniisip 'wag n'yo na po idagdag pwet ninyo sa iniisip ko," pabirong dagdag ni Vico

Noong nakaraang Pebrero, umani ng parangal si Vico mula sa US Department of State matapos ideklara bilang isa sa mga nangunguna sa larangan ng international anti-corruption.

Nitong Marso, sumailalim sa self-quarantine si Vico matapos mamatay ang kaniyang driver mula sa COVID-19. Kalaunan ay lumabas na negatibo ang COVID-19 swab test ni Vico.

Panoorin si Coney Reyes bilang Sonia sa Ang Dalawang Mrs. Real tuwing Lunes hanggang Biyernes 4:15 PM pagkatapos ng Babawiin Ko Ang Lahat.

Tingnan ang mga throwback photos ng mag-inang Coney Reyes at Vico Sotto: