
Nitong June 13, nakausap ni Dingdong Dantes si Mayor Vico Sotto sa ikatlong anibersaryo ni Amazing Earth.
Sa episode na ito ay binansagan si Mayor Vico na Amazing Earth hero at ikinuwento ang kanilang pangangalaga sa kalikasan sa lungsod ng Pasig.
Saad ni Mayor Vico, "'Yung tree planting ng LGU natin, hindi lang limited sa Manggahan Floodway. Meron din 'yan dito sa rainforest park (Pasig Rainforest Park) natin."
Photo source: Amazing Earth
"May bahagi rito na kailangan ng reforestation. Ito pong rainforest park, ito yung tinatawag na last green lung ng lungsod Pasig," paliwanag ni Mayor Vico.
"Ito na lang talaga 'yung area sa Pasig na medyo malawak."
Para maging eco-friendly ang isang lungsod ay naniniwala raw si Mayor Vico na dapat magtulong-tulong ang bawat mamamayan nito.
"Kung gusto nating protektahan ang kalikasan, ang bawat isang mamamayan ay mayroong parte dito. Kahit 99 percent sa atin ay ginagawa ang parte kung may 1 percent na pabaya or hindi tumutulong para alagaan ang kalikasan, wala ding mangyayari."
Panoorin ang naging pag-uusap nina Dingdong at Mayor Vico sa Amazing Earth.
Subaybayan ang second part ng 3rd year anniversary special ng Amazing Earth ngayong June 20 sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Dingdong Dantes, ibinahagi kung paano mag-voice-over para sa 'Amazing Earth' kasama si Zia