

Ngayong weekend, maaaring mapanood muli ang unang limang episodes ng GMA Telebabad series na Victor Magtanggol!
Abangan ang Victor Magtanggol Rewind, isang pilot week recap special sa Sunday, August 5, 3:30 pm.
Bukod sa telebisyon, may sabay na multistreaming din ang Victor Magtanggol Rewind sa official social media accounts ng GMA Network. Bisitahin lang ang Facebook.com/GMANetwork, Twitter.com/GMANetwork at Youtube.com/user/GMANETWORK.
Gamitin ang official hashtag na #VictorMagtanggolRewind para ipakita ang inyong suporta. Patuloy rin na mag-log on sa GMANetwork.com para sa iba pang updates.