GMA Logo Big Brother House, Bahay Ni Kuya
Courtesy: GMA, ABS-CBN
What's Hot

Viewers, excited na sa new season ng 'Pinoy Big Brother'

By EJ Chua
Published July 14, 2026 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benoni Port Light Craft Landing Station I One Mindanao
NBI's Lotoc on facing cases: 'That's the price we pay for doing our job' 
FPJ Sa G! Flicks: 'Bato sa Buhangin' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Big Brother House, Bahay Ni Kuya


Nakaabang na ang Pinoy viewers sa muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya.

Tila tumatak na agad sa viewers at netizens ang big revelation tungkol sa upcoming new season ng Pinoy Big Brother.

Kasunod ng big announcement, naging usap-usapan na sa social media kung ano ang twists at surprises sa new edition.

Kabilang sa hinuhulaan ngayon ay kung anong category at sino ang magiging bagong housemates na magsasama-sama sa iisang bahay para sa reality competition.

Mababasa sa comments section at ilang posts online ang reaksyon ng viewers at netizens na sumusubaybay sa kada edition nito. Ang ilan sa kanila, nilapag ang mga pangalan ng kanilang mga iniidolo kabilang ang Kapuso celebrities na gusto nilang makita at makapasok sa iconic house.

Sino nga kaya ang bagong maninirahan sa Bahay Ni Kuya?

Matatandaang tinutukan ng viewers ang magkasunod na season ng collab kung saan itinanghal na big winners sina Mika Salamanca (Sparkle), Brent Manalo (Star Magic), Caprice Cayetano (Sparkle), at Lella Ford (Star Magic).

Abangan ang next updates tungkol dito sa GMANetwork.com.