
Tila walang uurungan talaga ang Team VISHER (Vina Morales at Sheryl Cruz) sa pagsasagot sa GMA Comedy original game show na The People Have Spoken!
Bago pa man ang mismong program, humarap muna ang Born To Shine stars sa isang matinding POV Check question na: "Ikaw versus your mortal enemy, ano ang mas gusto mong eksena: sampalan o sabunutan?"
Natawa kaagad ang Team VISHER dahil tila para raw sa kanilang mga karakter na sina Dara at Vana ang tanong.
"Parang teleserye natin ito. Marami silang aabangan diyan," ani Vina.
Dagdag ni Sheryl, "Parang sampalan, sabunutan, wala bang isnaban?"
Ngunit para sa seasoned stars, mas gugustuhin nilang magsabunutan kaysa magsampalan sa kanilang kaaway.
"Ayokong masaktan ang face. 'Yung face ko. Hilahan (na lang) ng buhok," sagot ni Vina.
Sang-ayon din si Sheryl sa kanyang partner.
"Lalo na 'pag mahaba 'yung mga buhok nila 'di ba? Naka-ponytail o nakabagsak 'yung buhok. Madaling hablutin," sabi ng aktres.
"Kung sampalan, baka mamaga ang face namin," dagdag ni Vina.
"Kapag isa lang sinampal na cheek, hindi papantay. Dapat dalawa [sasampalin]. Para parehas mamamaga," patawang hirit ni Sheryl.
Abangan ngayong Sabado ang tapatan ng Team VISHER at Team JANELLI (Janice at Gelli de Belen) sa The People Have Spoken, 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
READ: De Belen sisters at Born to Shine stars, magtatapatan sa The People Have Spoken
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken ngayong Sabado para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: