
Binalikan ni Vina Morales ang ilan sa mga pinakamahalagang milestone sa kanyang mahigit apat na dekadang karera sa showbiz sa kanyang pagbisita sa All-Out Sundays.
Sa panayam ni Julie Anne San Jose, tinanong si Vina kung ano ang paborito niyang milestone sa kanyang singing career.
"Ang favorite milestone ko siguro is when I was discovered, when I was nine years old. I competed for the 6th Cebu Pop Music Festival. Kasi doon po nag-start po lahat ng aking career. So, that was 1986. So, sabi ko, from then on, doon talaga nag-umpisa lahat," ani Vina.
Dahil sa naturang kompetisyon, sunod-sunod na ang mga oportunidad na dumating sa kanyang karera.
"I did a lot of movies, albums, concerts abroad. And then I did theater for a while. So, 'yung mga opportunities na ganoon, talagang naibigay sa akin. Kaya I'm very grateful for all the people na naging parte ng buhay ko sa showbiz," dagdag niya.
Bukod sa kanyang tagumpay sa musika at pelikula, itinuring din ni Vina na isa sa mga hindi niya malilimutang milestone ang pagganap sa entablado sa New York.
"Actually, ang dami talagang milestones. Sa theater naman, I did Broadway, sa New York. That's one of the milestones na hindi ko rin makakalimutan," aniya.
Isa pa sa mga ipinagmamalaki ni Vina ang pagkakataong katawanin ang Pilipinas sa isang international singing competition.
"And, another one is when I competed for our country, 'yung [Ikon Asean] kasi siyempre iba pa rin 'yung nagdadala ka ng karangalan sa ating bansa," saad niya.
Sa kabila ng dami ng kanyang naging tagumpay, sinabi ni Vina na nananatili siyang lubos na nagpapasalamat sa mga taong naging bahagi ng kanyang naging paglalakbay sa industriya ng entertainment.
Patuloy na panoorin ang All-Out Sundays tuwing Linggo, 12nn sa GMA Network at at Kapuso Stream pati na rin sa GMA Network Facebook at YouTube.
RELATED GALLERY: Vina Morales' daughter, Ceana, celebrates 17th birthday with a neon
disco theme