
Puno ng saya at kulitan mamayang gabi sa The Boobay and Tekla Show!
Sasalang ang Cruz vs. Cruz stars na sina Vina Morales at Neil Ryan Sese sa hot seat at wacky segment na “One Truth, One Lie!" Babasahin nila ang dalawang statements, kung saan ang isa rito ay totoo at ang isa naman ay gawa-gawa lamang.
Kailangan mahulaan ng comedy duo na sina Boobay at Tekla kung alin sa dalawa ang totoo, kung hindi ay haharap sila sa consequence.
Sasabak naman ang real life couple at content creators na sina Diana Zubiri at Andy Smith sa daring game na “Feeling the Blank” kung saan babasahin ng hosts ang ilang controversial at provocative questions, pero isang keyword ang nawawala.
Bukod dito, huwag palampasin ang nakatutuwang prank segment na “Na-TBATS Ka!”
Abangan ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at 11:05 p.m. naman sa GTV.