
Hindi maitago ng aktor na si Vince Crisostomo ang kanyang excitement noong malaman niyang magiging parte ng ikalawang season ng Prima Donnas ang kanyang mga kaibigang sina Bruce Roeland at Allen Ansay.
Ayon kay Vince, hindi na siya makapaghintay na magsimula ang kanilang lock-in taping dahil matagal na niyang hindi nakikita ang kanyang mga kaibigan.
Saad niya, "I feel really excited kasi mas lalo pang lalaki 'yung pamilya na nabuo namin dito sa 'Prima Donnas.'"
"Considering na mga kaibigan ko rin sila, sina Allen at Bruce, talagang masaya dahil siyempre makakasama ko na sila ulit at saka magiging parte na sila ng show namin, ng pamilya namin."
"At saka excited na rin ako sa mga characters nila, kung paano nila maaapektuhan 'yung mga Donnas. Talagang kaabang-abang 'yun, nakaka-excite."
Kahit hindi pa pinapayagan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng lock-in taping dahil sa banta ng COVID-19, tuloy tuloy pa rin ang paghahandang ginagawa ni Vince habang nasa bahay.
"Ever since na binigay na sa amin 'yung script, sinimulan ko na basahin kagaad. Literally the entire story para alam ko 'yung magiging daloy ng kuwento," paliwanag ni Vince.
"Kasi it's good to know rin kung saan nanggagaling 'yung background nina Mayi para mas maging totoo 'yung pakiramdam ko once i-portray ko ulit 'yung character ni Cedric.
"Kasi para sa akin, importante malaman kung ano 'yung talagang nararamdaman ng ka-eksena ko para mas lalong gumanda 'yung pag-atake ko sa eksena."
Dagdag ni Vince, dapat abangan ng mga tao ang mas seryosong Cedric Villarazon, ang karakter na kanyang ginagampan.
"I-expect niyo na mas seryoso si Cedric with everything, with Mayi, with her family. Mas lalong seryoso dito si Cedric.
"Mas mature 'yung magiging atake, 'yun 'yung puwede niyong i-expect sa akin as Cedric."
Malapit nang mapanood ang Prima Donnas Season 2 sa GMA Afternoon Prime. Samantala, mapapanood ang full catch-up episodes ng unang season sa GMA Network.com at sa GMA Network App.
Bago ang Prima Donnas Season 2, mas kilalanin pa si Vince sa mga larawan na ito: