GMA Logo Vince Crisostomo Will Ashley and Julius Miguel in Prima Donnas
What's on TV

Vince Crisostomo, Will Ashley, at Julius Miguel, makikisaya sa 'Prima Donnas: Watch From Home' mamaya!

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 26, 2020 2:06 PM PHT
Updated August 5, 2020 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Remains of rare sun temple discovered in Egypt - ministry
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Crisostomo Will Ashley and Julius Miguel in Prima Donnas


Mapapanood sa 'Prima Donnas: Watch From Home' sina Vince Crisostomo, Will Ashley, at Julius Miguel! Abangan 'yan mamayang 5pm sa YouTube channel at Facebook page ng GMA Network!

Makikisaya ang Prima Donnas actors na sina Vince Crisostomo, Will Ashley, at Julius Miguel sa online show na 'Prima Donnas: Watch From Home.'

Makakasama nila sina Jillian Ward, Althea Ablan, Elijah Alejo, at Miggs Cuaderno.

Sina Katrina Halili at Eunice Lagusad naman ang magsisilbing moderators ng online show mamaya.

Kung noong Biyernes ay ginanap ang kanilang virtual grand reunion, ngayong linggo naman ay sasabak sa iba't ibang challenges at games sina Jillian, Althea, Elijah, Vince, Will, Julius, at Miggs.

Huwag kalimutang panoorin ang bagong Friday afternoon habit na 'Prima Donnas: Watch From Home,' mamayang 5pm, sa YouTube channel, Facebook page, at Twitter account ng GMA Network.