
Ipakikita ng Kapuso actor na si Vince Maristela ang kanyang husay sa pag-arte sa upcoming Kapuso serye na Delivery Boi.
Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ikinuwento ng dating Kapuso housemate ang kanyang excitement para sa bagong serye.
“Sobrang excited ako dahil ang dami nga rin sa internet na, alam mo 'yung mga funny moments ko, ang daming lumabas pero isa 'yun sa mga motivation ko rin na galingan pa lalo,” pagbabahagi niya.
Nagpapasalamat din si Vince dahil sa pagkakataon na binigay sa kanya na mapabilang sa Delivery Boi.
“Wala ako sa comfort zone ko na nasa drama ako, ganyan. Kasi for the past few shows, drama lagi 'yung napupunta sa akin and ayun sobrang thankful lang din ako sa opportunity na 'to,” aniya.
Matatandaan din na kamakailan ay sumalang si Vince kasama ang kanyang co-stars na sina Will Ashley, Mikoy Morales, at Gio Alvarez sa safety in riding seminar at motorcycle training para sa kanilang gagampanang roles sa serye.
Bukod sa kanyang showbiz career, ibinabahagi rin ni Vince ang kanyang fitness journey online sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.
Ayon kay Vince, nais niyang maging inspirasyon sa younger generation at iba pang tao na magsimula rin ng kanilang fitness journey.
Related gallery: Vince Maristela's hottest photos