
Isa si Vince Maristela sa mga bagong karakter na mapapanood sa romantic comedy series na Love, Siargao.
Noong weekend, ipinakilala na ang karakter ni Vince na si Archie, isang matalik na kaibigan ni Kara (Nadine Lustre).
Lalong na-excite ang viewers dahil tila si Archie ang magiging karibal ni Jao (Alden Richards) sa puso ni Kara.
Sa comments section ng official Facebook page ng Viu Philippines, umani ng suporta ang Sparkle artist para sa kanyang pagganap. Marami ang nagsabing inaabangan na nila ang karakter ni Vince sa serye.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa karakter ni Vince sa Love, Siargao:
Kasabay ng pagpasok ni Vince sa serye ang pagpapakilala rin sa karakter ni AZ Martinez na si Lexi, ang longtime friend naman ni Jao.
Mapapanood ang Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, 6 p.m., sa Viu Philippines.
RELATED GALLERY: Vince Maristela's looks that showcase his stylish side