GMA Logo Vince Maristela
Source: vincemaristela (IG)
What's Hot

Vince Maristela, parte ng isang dating reality show sa Thailand

By Kristian Eric Javier
Published June 11, 2026 10:22 AM PHT
Updated June 11, 2026 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Study shows human rights concerns still present in PHL
Alex Eala gets wildcard spot in Berlin Tennis Open
Nigerian embassy releases statement on the death of Divine Adili

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Maristela


Mapagtagumpayan kaya ni Vince Maristela ang sinalihang dating show sa Thailand? Alamin dito.

Bukod sa pagiging parte ni Vince Maristela ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, naging parte rin ang Sparkle star ng isang Korean reality dating show sa Thailand na “Rak Rak - Sense of Love.”

Sa episode ng It's Showtime nitong Miyerkules, June 10 kung saan naglaro ang cast ng The Secrets of Hotel 88 sa "Laro Laro Pick” segment, kinamusta ni Vice Ganda ang karanasan ni Vince sa naturang show.

Pagbabahagi ni Vince, hindi pa siya pwedeng magbahagi ng kahit ano tungkol sa resulta ng programa dahil ngayong Huwebes, June 11 pa lang mapapanood ang finale ng 8-episode series sa streaming service na Viu.

Ang Rak Rak - Sense of Love ay isang modern take sa dating reality show kung saan tinatanong nito ang isang simpleng tanong: 'Paano magsisimula ang pagmamahal nang wala kang alam tungkol sa iyong partner-to-be?'

Walong participants o "Sense Mates" ang hahanap ng kanilang makakapareha na ang tanging alam lang ay pangalan ng isa't isa. Walang preconceived labels o social context.

Bawat araw ay mamimili sila ng isang taong makaka-match nila sa pamamagitan lang ng kanilang five senses na sight, touch, hearing, smell, o taste. Isang matched couple lang ang mabibigyan ng pagkakataon na manatili sa isla overnight kung saan ginawa ang show habang ang iba naman ay mapipilitang umalis.

Layon ng programa na ipakita kung paano maaaring magkaroon ng attraction ang dalawang tao sa pamamagitan lamang ng intuition imbes na logic.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA NAKILALA ANG KANILANG PARTNERS SA ISANG DATING APP SA GALLERY NA ITO: