GMA Logo Vince Maristela
Source: Vince Maristela (FB)
Celebrity Life

Vince Maristela, lumusong sa baha at umangkas sa trak ng bumbero dahil sa trapik

By Mark Joseph F. Carreon
Published August 18, 2026 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ombudsman flags Leviste's 2-month overseas trip, Legarda's extended leave as 'suspicious'
More SB19 template drops to happen on Canva soon
Marcos orders probe into fatal Ateneo de Zamboanga shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Maristela


Sumabak sa lakaran at paglusong sa baha si Vince Maristela dahil sa tindi ng trapik bunsod ng ulan at baha.

Pinili ng former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate at Kapuso actor na si Vince Maristela na maglakad na lamang sa gitna ng ulan kaysa maipit sa matinding trapik dahil sa bahang dulot ng malakas na pag-ulan sa Luzon.

Sa isang video na kaniyang ibinahagi sa kaniyang Facebook account, ipinasilip ng Kapuso actor sa kaniyang followers ang kaniyang pinamagatang “Baha Serye”. Sa video, ipinakita ni Vince ang kaniyang karanasan sa paglalakad sa kahabaan ng Marcos Highway upang makaiwas sa traffic.

Ayon kay Vince, mas mabilis pa siyang makararating sa kaniyang pupuntahan gamit ang sariling mga paa kaysa maghintay sa loob ng kotse.

Ipinakita niya sa kaniyang video ang mabigat na trapik sa kalsada kung saan marami na ring mga taong ang pinili maglakad. Ipinakita niya rin ang mga nakalinyang mga sasakyan na nakatigil sa kalsada dahil inabot na rin ng baha ang daanan.

“Ang lala,” pahayag ng aktor.

Hindi lang paglalakad ang ginawa ng aktor. Nang makarating siya sa bukana ng isang subdivision sa Rizal, mabilis siyang naki-angkas sa likod ng isang trak ng bumbero kasama ang iba pang tao para makatawid sa mas malalim na bahagi ng baha.

Tila isang epic commute experience ang naidokumento ng aktor para lang makarating sa kaniyang pupuntahan.

Upang pagaanin ang sitwasyon, nilagyan pa ni Vince ang video ng background music na "Basang-Basa sa Ulan" ng Aegis, isang swak na kantang sumasalamin sa kaniyang naging karanasan.

Kinaaliwan at pinuri ng kaniyang followers ang pagiging simple at walang-arte ng aktor sa gitna ng baha at ulan.

“Nakakatuwa tong si Vince yung Artista sya pero naglalakad din sya tulad naten pag ganitong sitwasyon na umuulan,” ani ng isang netizen.

“Napaka simpleng tao, walang kaarte-arte,” komento ng isa pa.

“Grabeee, no arte 'yan sha!” sabi pa ng isang netizen.

Samantala, masusubaybayan si Vince bilang si Archie sa seryeng Love, Siargao kasama nina Alden Richards at Nadine Lustre, isang collaboration sa pagitan ng GMA Network, Viu Philippines, at Viva Communications Inc.

Mapapanood ito tuwing Biyernes at Sabado, alas-6 ng gabi sa Viu Philippines.

Related Gallery: Vince Maristela shares work-life moments in latest photo dump