GMA Logo Vince Maristela
PHOTO SOURCE: @vincemaristela (Instagram)
What's Hot

Vince Maristela, puspusan ang paghahanda sa 'Delivery Boi'

By Dianne Mariano
Published August 24, 2026 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Poa denies report VP Sara Duterte wants to talk to Marcos, says it's 'fake news'
Girls' Generation to debut new sub-unit HyoriSoo
Cop, 2 suspects killed in Pagadian gun sale operation

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Maristela


Kabilang sa preparasyon ng Kapuso actor na si Vince Maristela para sa upcoming serye na 'Delivery Boi' ay ang pagsalang sa safety in riding seminar at motorcycle training.

Kabilang ang Kapuso hunk actor na si Vince Maristela sa cast ng upcoming Kapuso serye na Delivery Boi, na pagbibidahan ni Will Ashley.

READ: Will Ashley, bibida sa newest drama na 'Delivery Boi'

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Vince, itinuturing niyang isang malaking biyaya ang nasabing proyekto dahil makakasama niya rito ang kapwa ex-PBB housemates at mga batikang aktor.

“Para sa akin, sobrang laking blessing nito, lalo na makakasama ko rito si Will [Ashley], si Mika [Salamanca], and 'yung ibang cast din namin,” pagbabahagi niya.

Ayon pa sa aktor, ito ang first time niyang sasabak sa proyekto na magbibigay-tuwa naman sa mga manonood dahil sa drama siya napapanood noon.

“Challenge rin siya for me kasi laging drama 'yung mga projects na nagagawa ko. And para sa akin, mas okay na ma-experience ko naman 'yung wala ako sa comfort zone ko,” aniya.

Dagdag pa niya, “Refreshing lang din 'to sa akin kasi hindi masyadong heavy, tawanan lang talaga.”

Kabilang sa paghahanda ni Vince para sa kanyang role sa serye ay ang pagsailalim sa safety in riding seminar at motorcycle training. Natutuwa ang aktor na sumailalim sa ganitong klaseng training dahil aniya'y magagamit pa niya ito sa mga susunod niyang proyekto.

READ: 'Delivery Boi' star Will Ashley and co-stars undergo safety in riding seminar and training

“Isang paghahanda is 'yung mag-aral ng motor. Nasanay ako sa automatic na motor, ngayon natuto ako kung paano magpaandar ng manual na motor. Sobrang saya ko lang talaga kasi alam ko 'tong skill na to magagamit ko rin siya sa iba pang projects, sa mga future project ko,” ani Vince.

Abangan ang Delivery Boi, soon sa GMA.

Related gallery: Get to know Vince Maristela