
Ngayong Miyerkules, mapapanood sa Family Feud ang masisipag na manggagawa tulad ng bus drivers, konduktor, at delivery riders para sa tsansang mabago ang kanilang buhay.
Sa episode ngayong May 6, ipakikilala ang mga manggagawang sumikat online dahil sa kanilang talento at kwento.
Maglalaro sa Dancing Riders Quadros ang grupo ng delivery riders na sumikat sa TikTok dahil sa kanilang pagsasayaw at paghahatid ng good vibes.
Mapapanood sa kanilang grupo ang dating P-Pop boy group member at model mula Lipa City na si Limuel P. Mendoza; ang dancer at basketball enthusiast mula Malate na may 3.2M followers na si Ryan M. Viray; ang content creator mula Tondo na may halos 5M followers na si Rhic Maniego; at ang mahilig sa sayaw at basketball mula Imus, Cavite na may 2.8M followers na si Yukii Artana.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Sa The Byaheroes naman ay magsasama-sama ang mga bus driver at konduktor na nagbahagi ng kanilang “buhay-byahero” online. Sila ay sina Rogelio “Kuya Jhong” Dayday na konduktor mula Zamboanga Sibugayl; Christian Paul Robes na bus driver mula Macabebe, Pampanga; John Kenneth Masiglat na konduktor mula Malasiqui, Pangasinan; at si Marvin Villaos na konduktor mula Calauag, Quezon.
Laban ng mga Pilipino na may pambihirang kuwento ang mapapanood sa fresh episode ng Family Feud ngayong May 6, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.