GMA Logo Aon Somrutai on Its Showtime
What's on TV

Viral Thai content creator Aon Somrutai graces 'It's Showtime'

By Dianne Mariano
Published July 16, 2026 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mimiyuuuh, sinagot ang mga komentong nagbago at 'unrelatable' na umano siya
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health
1 dead, guns seized in Sulu clash

Article Inside Page


Showbiz News

Aon Somrutai on Its Showtime


Naghatid ng saya ang Thai personality na si Aon Somrutai sa kanyang pagbisita sa 'It's' Showtime.'

Bumisita ang Thai socialite at online personality na si Aon Somrutai sa noontime variety program na It's Showtime ngayong Miyerkules (July 15).

Sa episode ng naturang programa, nakatanggap si Aon ng warm welcome mula sa It's Showtime hosts at masaya niyang binati ang audience gamit ang iconic line na "What's Up Madlang People!"

Ayon kay Aon, ito ang unang pagkakataon na nakapunta siya ng Pilipinas. "My first time here. People here are so sweet," pagbabahagi niya.

Ibinahagi rin ng viral Thai star na nasubukan niya nang kumain ng Pinoy dishes at may pagkakapareho raw ang lasa nito sa pagkain sa Thailand.

Nakilala rin si Aon dahil sa kanyang nakatutuwang content tuwing siya ay nagsha-shopping. Dahil dito, tinanong ni Amy Perez kung ano ang unang bibilhin ni Aon sa Pilipinas kung mabibigyan siya ng isang buong araw para mag-shopping.

"I will shop clothes, the food, Filipino food, and I will shop some baby clothes for my Freyana, my baby," aniya.

Bukod dito, ipinakilala din ng hosts si "KaTeddy," o si Teddy Corpuz, sa guest star. Matatandaan na mayroong bodyguard si Aon na nagngangalang Kateyki na madalas na napapanood sa videos nito online sa tuwing siya ay nagsha-shopping.

"I'm Teddy, KaTeddy," ani ng Rocksteddy vocalist.

Sagot naman ni Aon, "KaTeddy, you changed now. You makeover. You're so handsome today."

Kumasa rin ang Thai content creator sa "Ooh Lala Baby" dance challenge kasama ang Showtime Babydolls.

Samantala, patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

RELATED GALLERY: Thai stars who appeared in Heart of Asia