GMA Logo Viy Cortez
Courtesy: viycortez (IG)
Celebrity Life

Vlogger-entrepreneur Viy Cortez builds new 'fulfillment center' for her growing business

By EJ Chua
Published January 16, 2023 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce, Venus Williams, Nicole Kidman to co-chair 2026 Met Gala
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Viy Cortez


Congratulations, Viy Cortez!

Ngayong unang buwan ng taong 2023, isang panibagong achievement na naman ang malapit nang maisakatuparan ng vlogger-entrepreneur na si Viy Cortez.

Sa kaniyang bagong post sa Instagram, ibinahagi ni Viy ang kaniyang mga ginagawang paghahanda para sa kaniyang growing business na VIYLINE Group of Companies.

Makikita sa mga larawan na kaniyang in-upload na nagpapatayo siya ng isang “fulfillment center,” na ayon sa social media influencer ay doon ipapasok, ihahanda, at ibabalot ang orders ng kanilang customers.

Ayon sa caption ng 26-year-old entrepreneur, “Thank You Lord! Maraming Salamat sa lahat! 'Yang laki na 'yan, ang gagawin lang diyan magdamag, magbabalot ng orders n'yo araw-araw! Sa dami ng orders n'yo ganiyan na kalaki ang kailangan.

Dagdag pa niya, “15,000 to 20,000 parcels ang kaya maibalot diyan araw-araw. 'Yang mabilis pumindot diyan, fight me! Hahaha…”

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Unang ibinahagi ni Viy sa kanyang million supporters sa Facebook ang plano niyang pagbubukas ng panibagong warehouse at opisina.

Si Viy ay ang fiancee ng sikat na vlogger na si Cong Velasquez at ang mommy ni Zeus Emmanuel o mas kilala bilang si baby Kidlat.

July noong nakaraang taon, nang ipanganak ni Viy ang kanilang baby boy ni Cong at September 2022 naman nang ibinahagi ng vlogger couple na sinisimulan na nilang ipatayo ang kanilang dream house.

SAMANTALA, SILIPIN ANG FATHER-AND-SON MOMENTS NI CONG TV AT NI BABY KIDLAT SA GALLERY SA IBABA: