
Umani ng libo-libong likes sa TikTok ang throwback post ng first-time mom at vlogger na si Viy Cortez.
Ayon sa post ni Viy, ipinasilip niya ang una niyang message kay Cong Velasquez o mas kilala bilang CongTV.
Pag-amin niya, “Kaway kaway sa mga babaeng nag first move”
@viy.cortez Kaway kaway sa mga babaeng nag first move😂😂😂😂
♬ AMAZING - Phoebe
Makikita sa screenshot ng message ni Viy na certified fan siya ni Cong. Mensahe niya, “I just want to thank you for making me happy. Lagi ko na tuloy inaabangan mga video mo. Hmm btw never ba akong nag-message sa kahit sino sayo palang maybe, because you are worth it haha. Sana mapansin mo to thank you ulit. First time ko maging fan girl.”
Nag-reply naman si Cong TV at sinabing, “Hahaha salamat Viy! God bless din hahaha.”
Ika nga nila, the rest is history. Ngayon ay tatay ng anak ni Viy si Cong. Isinilang ng social media star si Zeus Emmanuel Velasquez o Kidlat noong July 5, 2022.
Pinagtatrabahuhan na rin ng mag-partner ang future home ni Kidlat nang ipinasilip nila ang nabili nilang lote.
HETO ANG ILAN SA MGA INAABANGAN NATING CELEBRITY HOMES: