GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

VMX Babes at King of the World Philippines, magpapagalingan sa pagsagot sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published June 24, 2026 11:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco seeks bids for 600-MW power supply deal
Miss Universe PH Bea Millan-Windorski joins dental mission for indigenous people
Raps filed vs minor in Tacloban school shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Narito ang mga makakasama nina Keylyn Trajano at Imelda Schweighart sa 'Family Feud' ngayong June 19.

Isang masayang bakbakan ng babes at hunks ang mapapanood sa Family Feud ngayong Miyerkules!

Maghaharap ang VMX Babes at King of the World Philippines para masubukan ang kanilang galing sa pagsagot ng top survey answers sa Family Feud.

Pangungunahan ni Ashley Lopez ang VMX Babes. Kilala si Ashley bilang isa sa mga familiar faces sa Kapuso show na Pepito Manaloto. Makakasama niya ang aktres at models na sina Leslie Cold at Rinoa Halili, pati na rin ang aktres at businesswoman na si Akira Takamura.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Sa kabilang panig naman ay ang guwapong players mula sa King of the World Philippines. Kabilang sa kanilang team si King of the World Philippines 2026 Xavier Joe Zapata. Kasama niya ang iba pang titleholders ng King of the World Philippines na sina Model Discovery 2026 Tino Olivarez, Face of the Year 2026 Roujan Peria, at Supermodel 2026 Ronvasti Atenate.

Patalinuhan at paramihan ng tamang hula para marating ang "Fast Money" round ay mapapanood sa fresh episode ng Family Feud ngayong June 24, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.