
Mananatili pa sa sinehan ang Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience dahil muling na-extend ang pagpapalabas nito sa piling SM cinemas.
Showing pa rin ang isinapelikulang bersyon ng Voltes V: Legacy, kung saan tampok ang special edit ng unang tatlong linggo ng serye, sa SM Megamall, SM Mall of Asia, at SM North EDSA hanggang May 9.
Ito na ang pangalawang extension ng Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience due to insistent public demand.
Maaaring bumili ng Voltes V Legacy: The Cinematic Experience ticket sa SM Cinema ticket counters, bit.ly/VoltesVAtSMCinema, o SM Cinema app.
Magpe-premiere sa TV ang Voltes V: Legacy sa May 8, 8:00 p.m, sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
NARITO ANG PASILIP SA GINANAP NA MEDIA CONFERENCE AT PREMIERE NIGHT NG VOLTES V: LEGACY: THE CINEMATIC EXPERIENCE: