GMA Logo VXON Kalawakan concert
Source: Kristian Eric Javier
What's Hot

VXON, excited at pressured sa nalalapit nilang 'Kalawakan' concert

By Kristian Eric Javier
Published June 23, 2026 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angara: Students behind school threats face expulsion, criminal charges
Fishing trip called off as 3 boats catch fire in GenSan
LEGO unveils collaboration with Olivia Rodrigo

Article Inside Page


Showbiz News

VXON Kalawakan concert


Pressured man, excitement ang dala ng P-Pop group na VXON sa kanilang upcoming concert.

Malapit nang mapanood ang P-Pop boy group na VXON sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine! Ngunit bago pa ang kanilang special guest appearance, masisilayan muna ang grupo sa kanilang 'Kalawakan: The Evolution' concert sa New Frontier Theater ngayong Sabado, June 27.

A post shared by VXON (@vxonofficial)

Mula sa SM Skydome, sa mas malaking New Frontier Theater gaganapin ang ikalawang concert nila. At sa panayam ng GMANetwork.com kina C13, Sam, Franz, Vince, at Patrick, ipinahayag ng tinaguriang “Monsters of P-Pop” ang kanilang saya at excitement para dito.

“Parang slowly but surely lumalaki nang lumalaki 'yung mga venue and at the same time, lumalaki na 'yung mga nakikinig at mga sumusuporta sa amin so we're very honored, and at the same time, may onting pressure po,” sabi ni Franz.

Paglilinaw niya, good pressure naman ang nararamdaman nila lalo na at nasundan kaagad ang katatapos lang nilang concert.

“We're very excited na mangyari siya kasi this time, mas malaki, mas grand, and at the same time, mas gusto naming mag-connect with our supporters,” sabi ni Franz.

KILALANIN ANG RISING P-POP GROUPS NA DAPAT ABANGAN SA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi naman ni C13, dati na silang nakapag-perform sa New Frontier Theater, ngunit para lang sa events kung saan ilang songs lang ang kinakanta nila. Kaya naman, ngayon na solo concert na ang gagawin ng VXON sa naturang venue, mas excited at mas malaking energy umano ang dala nila dito.

“Since mas maraming Vixies, kailangan up to the very last row, mag-resonate 'yung energy namin. We promise and we'll make sure to bring you pieces na makikita n'yo for the very first time, mas magandang arrangement, and mas malaking VXON ang makikita n'yo this coming Saturday,” sabi ni C13.

Dagdag pa ni Patrick, kung noon ay audience lang sila at nanonood, o kaya naman nakapag-perform ng ilang songs kasama ang ibang artists, ngayon ay solo na nila ito at fans lang nila ang makikita sa audience.

“Siyempre, nakaka-overwhelm din in a good way kasi malaki 'yung stage doon so kailangan talaga naming ibigay 'yung best namin para din sa mga naglaan ng oras para manood sa amin,” sabi niya.