
Masaya ang P-Pop boy group na VXON na nagsisilbing representation ng mga grupong kagaya nila ang GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine. Sa serye kasi, ipinapakita ang mga nangyayari sa buhay ng isang artist o idol na hindi nakikita ng publiko.
“Usually, 'yung mga tao, 'yung nakikita lang nila is all the glamour, 'yung nasa harap ng camera, mga smiles, rainbows, golds, and everything. All the good things. Dito naman sa series na 'to, pinapakita din kung ano 'yung mga struggles, ano 'yung mga trainings, mga conflicts na napagdadaanan ng mga P-Pop trainees and aspiring P-Pop idols,” sabi ni Franz sa panayam ng GMANetwork.com sa kanila kamakailan lang.
Pagpapatuloy pa niya, natutuwa sila na may representation na ang journey ng P-Pop artists sa naturang serye. Pag-amin pa nga ni Franz, mahirap ang maging isang P-Pop artist, at masaya silang naipapakita iyon ng serye.
“Hindi biro ang maging P-Pop kasi mahirap siya; 'yung training pa lang, 'yung malayo ka sa family mo just to pursue your dreams, and also may mga isa-sacrifice kang mga bagay, like your studies, kasi hindi naman talaga biro ang training,” sabi ni Franz.
KILALANIN ANG P-POP GROUPS AT MEMBERS NA SUMABAK NA RIN SA ACTING SA GALLERY NA ITO:
Ikinatuwa rin ni C13 na nabigyan ang P-Pop ng platform para ipakilala ang musika nila, at palawigin pa ang kaalaman ng mga tao tungkol dito.
“Sana, through Born to Shine, mas mabigyan pansin pa 'yung P-Pop nationwide, and not just nationwide, but worldwide din. If hindi n'yo pa alam ang P-Pop, panoorin n'yo 'yung Born to Shine and 'yun, pakinggan n'yo, just give P-Pop a chance. Pakinggan n'yo 'yung mga iba't ibang groups and 'yung mga songs na magke-cater sa inyo,” sabi ni C13.
Ang VXON ay ang P-Pop boy group na binuo ng Cornerstone Entertainment Inc. at kinabibilangan nina C13, Sam, Franz, Patrick, at Enzo.