
Pressured man ang P-Pop boy group na VXON sa kanilang nalalapit na Kalawakan: The Evolution concert, excited pa rin ang grupo sa mga bagong maipapakita at unique experience na ibibigay nila sa fans.
Sa panayam ng GMANetwork.com sa tinaguriang “Monsters of P-Pop” na sina C13, Sam, Franz, Vince, at Patrick, sinabi nilang marami silang performances na maipapakita ngayon na wala sa nauna nilang concert.
“May mga songs kami na gusto naming i-perform this time, and meron din kaming mga special guests this time, and itong mga special guests namin, naging part din ng naging journey namin,” sabi ni Franz.
Dagdag pa niya, “Sharing the stage with them is also a meaningful performance kasi nakasama rin namin sila throughout our journey as VXON.”
Bukod sa performances nila kasama ang kanilang special guests, sinabi ni Franz na mas dapat abangan ng mga tao ang mga pagkakataong solo nila sa stage dahil pinaghandaan nila ito nang husto.
“We want to show our individuality sa bawat solo stage na ipapakita namin. And makikita n'yo talaga 'yung iba't ibang personalities namin and kung ano 'yung maibubuga ng bawat isa sa solo stages,” sabi ni Franz.
KILALANIN ANG P-POP GROUPS NA DAPAT ABANGAN SA MUSIC SCENE SA GALLERY NA ITO:
Kailangan din umanong abangan ng Vixies, ang tawag sa fans ng VXON, ang mga kantang ipe-perform nila sa concert na ito, ayon kay C13.
“Meron din kaming mga song na hindi namin na-highlight nu'ng last concert na gusto naming i-highlight this time so masasabi lang namin na itong isang kantang ito, favorite namin and may makikita kayong something new dito so abangan n'yo 'yan, Vixies,” sabi niya.
Pagbabahagi pa ni Franz, sinigurado nilang ang unang set list nila ay pare-pareho ng energy at may iba't ibang concept na ino-offer, “Parang iba't ibang kalawakan, iba't ibang planets, iba't ibang mundo per stage, per concept.”
Ngunit ngayon, “Ngayon, similar siya dito, but it's very interactive kasi we want to make our audience to be part of the performances. Kumbaga, kung nagpe-perform kami, mararamdaman nila na kasama sila sa experience.”
Sinabi rin ni Franz na natuto na sila mula sa unang concert nila at in-adjust nila ang set list ngayon para hindi sila madaling mapagod.
“Kunwari, high energy, and then magiging like smooth mellow, tapos magiging high energy ulit para hindi tayo sobrang 'yung parang laging nasa taas,” sabi ni Franz.
Sabi nina Sam at Patrick, ginawa nila ito para hindi nakakapagod panoorin ang kanilang concert at magkaroon pa ng pagkakataon ang audience na makahinga.
Sa huli, inihalintulad ni Fran ang kanilang concert sa isang kuwento, "We want to show na may introduction, may plot twist, may climax, may ganu'n, may mga pahinga, ganu'n.”
Mapapanood ang Kalawakan: The Evolution concert sa Sabado, June 27, sa New Frontier Theater, Quezon City.