GMA Logo  YUMI X VIXON
Source: 24 Oras
What's on TV

VXON, 'very special' ang mapasama sa 'Born to Shine'

By Kristian Eric Javier
Published June 25, 2026 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Mary Grace Piattos,' kabilang sa mga testigo sa impeachment case vs VP Sara Duterte
GMA Regional TV launches “Ratsada Balita” on June 29
Eligible Filipinos can now travel to UAE through visa-on-arrival

Article Inside Page


Showbiz News

 YUMI X VIXON


VXON, ano nga ba ang masasabi matapos makatrabaho ang YUMI sa 'Born to Shine'?

Malapit nang mapanood ang P-pop boy group na VXON sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine. At ayon sa tinaguriang “Monsters of P-Pop,” very special para sa kanila ang mapasama sa naturang serye.

Ang VXON ay ang P-pop boy group na binuo ng Cornerstone Entertainment Inc. Binubuo sila nina C13, Sam, Franz, Patrick, at Enzo.

Pagbabahagi ni Franz sa panayam ng GMANetwork.com sa grupo kamakailan lang, lahat naman sila ay may kaniya-kaniyang karanasan sa pag-arte nang solo. Mula sa guesting sa mga teleserye hanggang sa mga online at vertical series.

“This time, as a group, it's very special for us kasi as in nagbabatuhan pa kami ng lines backstage and even kapag malapit na kaming mag-take. Nagbabatuhan kami ng lines and nakakatulong siya kasi alam mo 'yung flow and hindi ka na kailangan mangapa so ano lang. Nakakatuwa kasi hindi niya kailangan na sobrang pag-isipan mo pa 'yung mga linya,” sabi ni Franz.

Dagdag pa ni Patrick, napaka-casual lang nila sa set at sinabing pareho lang ang pakikitungo nila sa isa't isa, off cam man o on cam.

KILALANIN ANG P-POP GROUPS O MEMBERS NA SUMABAK NA RIN SA ACTING SA GALLERY NA ITO:

Proud din umano si Sam sa pag-arte nila sa serye, “Parang we're encouraging them to push further sa career nila, ganiyan, which is goal din namin na umabot kami sa point na maging ganu'n talaga kami. Like nasa taas kami, tapos nag-a-advise kami to the aspiring P-pop groups na nagra-rise pa lang, ganiyan.”

“It's life changing, low key, kasi we get to inspire people with what we do,” sabi ni Sam.

Pagbabahagi pa ni Enzo, talagang inalagaan sila sa set ng Born to Shine, at ginabayan sila ng mga co-stars at production staff na hasa na sa aktingan, kaya naman sobrang grateful sila para rito.

Working with YUMI

Sa pagsabak ng VXON sa aktingan sa Born to Shine, makakasama rin nila ang P-pop girl group na YUMI. Binubuo ito nina Jeni (Zephanie), Megan (Olive May), Alfea (Naya Ambi), Yuna (Mitzi Josh), at Nancy (Gaea Mischa).

Pagbabahagi ni Franz, una pa lang nilang nakita ang grupo, naisip na kaagad nila na kayang tumayo ng YUMI bilang isang totoong P-Pop group sa labas ng serye.

“Parang tinatanong pa nga namin sila na 'Ide-debut n'yo ba talaga in real world?'," sabi ni Franz.

Aniya, smooth lang naman ang naging interactions nila sa grupo at dahil parte rin si Zephanie at Gaea ng Cornerstone Entertainment, ang kompanyang nagma-manage din sa kanila, hindi na sila nahirapan at nag-adjust masyado.

“'Yung iba du'n, ka-Cornerstone artist din namin, like si Gaea. So familiar na kami sa ibang mga members. Pero 'yung iba, talagang nakita namin na sobrang warm din ng pagtanggap nila and G sila sa lahat. Like ang-collab pa kami. Can't wait for more guestings pa,” sabi ni Franz.