
Hinirang na Sexiest Man in the Philippines para sa taong 2018 si Kapuso leading man Alden Richards.
Ito ang naging resulta ng online poll ng entertainment site na Starmometer.
Nagpapasalamat si Alden sa lahat ng bumoto para sa kanya pero palagay niyang hindi ang kanyang katawan ang nagpapanalo sa kanya sa poll.
"Siguro, ugali 'tsaka pakikitungo sa tao--'yun 'yung isa sa mga aspeto na kailangan laging kino-consider sa buhay natin kasi kumbaga, total package na 'yun, pahayag niya.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras: