
Lumipad na si Pambansang Bae Alden Richards patungong Hong Kong para simulan ang kanilang pelikula ni Kathryn Bernardo.
Sa isang panayam sa 24 Oras, nagkuwento ng bahagya si Alden tungkol sa kanyang bagong pelikula.
“It's about a story of an OFW (Oversease Filipino Worker) na nasa Hong Kong sa mga panahon ngayon.
“Kumbaga, it's a different story na mas millennial na OFW.”
First time ni Alden na gumanap bilang isang OFW sa pelikula kaya excited na raw siyang simulan ito at mas lalo raw niyang pinaghahandaan ang role.
“I can't wait to shoot the film kasi excited na ko sa mga characters, especially sa character ko.
“Nag-lessons kami ni Kat [Bernardo] on how to speak Cantonese.
“At ako, especially dun sa trabaho ko sa film, 'yung trabaho ko kasi medyo first time kong gagawin,” aniya.
EXCLUSIVE: Alden Richards studies Cantonese to prepare for upcoming film
Panuorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:
Mapapanood din si Alden bilang isang mangingisda sa gaganaping Lenten Special ng longest running noontime show na Eat Bulaga! kung saan makakasama niya sina Dabarkads Ryan Agoncillo at Wally Bayola.
IN PHOTOS: 'Eat Bulaga' stars shoot Lenten episode in General Santos City
EXCLUSIVE: Alden Richards welcomes the challenges posed by new movie role