What's Hot

WATCH: Alden Richards, humanga sa OFWs sa Hong Kong

By Cara Emmeline Garcia
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated July 15, 2019 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA eyes uniform truck ban hours, opening of private roads to ease traffic
DOLE 7 commends driver who rescued 6 in Liloan, Cebu
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News



Habang nasa Hong Kong, na-obserbahan ni Alden Richards ang resilience ng OFWs na patuloy na magtrabaho nang nakangiti kahit malayo sa pamilya. Read more:

Maalalang bumisita ng sabay sa unang pagkakataon ang lead cast ng romantic film na Hello, Love, Goodbye na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa morning show na Unang Hirit noong nakaraang linggo.

Alden Richards
Alden Richards

Sa isang taped segment ngayong umaga (July 15), tinanong nina Suzi Abrera at Luane Dy ang kanilang mga natutunan habang nagshu-shooting sa Hong Kong --- ang location ng pelikula.

“Mari-realize mo lang talaga na blessed ka pa rin at blessed pa rin tayo, the people in the showbiz industry,” sagot ni Alden kay Suzi.

“We have a lot of kababayans who are working so hard abroad and away from their family. Kaya maswerte pa tayo at nakakauwi pa tayo sa mga mahal natin sa buhay [araw-araw].”

Mga Kapuso, abangan ang morning kulitan at chikahan nina @aldenrichards02 at @bernardokath mamaya sa #UnangHirit! Sino na ang excited? 😍 #KathAldenOnUH 📷 @kapusoprgirl

A post shared by Unang Hirit (@unanghirit) on


Alden Richards at Kathryn Bernardo sa 'Unang Hirit' trending topic sa Twitter

Na-obserbahan din ng Kapuso actor ang resilience ng OFWs na patuloy na magtrabaho nang nakangiti kahit malayo sa pamilya.

Aniya, “What I've also learned in Hong Kong, especially 'pag Pinoy, 'yung saya talagang 'di mo matatanggal sa kanila e.

“'Yung 'pag magkakasama sila, regardless kung ano 'yung pinagdadaanan nila sa buhay, ngingiti't ngingiti tayo eh.

“So parang ang sarap lang sa pakiramdam na 'yung na-immerse kami for almost a month, kasama sila while doing the movie.”

Dagdag pa ni Alden, ang pelikulang ito ay isang tribute para sa lahat ng Overseas Filipino Workers sa mundo.

“Upon watching matutuwa sila kasi nga we portrayed the roles of their everyday lives.

“Pero, siguro mas marami kaming na-take home [na lessons] being with them. So para po sa kanila talaga ito.”

Panoorin ang segment na 'yan sa video na ito:

WATCH: Alden Richards, napa-#FlashbackFriday sa 'Unang Hirit'

WATCH: Alden Richards ikinuwento ang kaniyang first impression kay Kathryn Bernardo sa 'Unang Hirit'