What's on TV

WATCH: Alden Richards, inaming may alinlangan bago tinanggap ang 'The Gift'

By Cara Emmeline Garcia
Published September 4, 2019 10:51 AM PHT
Updated September 10, 2019 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Inamin ni Asia's Multimedia Star Alden Richards kay 24 Oras reporter Nelson Canlas na minabuti niyang paghandaan ang kanyang bagong role.

Pagkatapos ng kanyang back-to-back recognition at contract renewal sa GMA, may panibagong hamon na gagampanan si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa Kapuso network.

Ito ang pagganap niya sa kanyang bagong serye na The Gift kung saan ang karakter niya ay kalaunang mabubulag dahil sa isang hindi inaasahang insidente.

Inamin ni Alden kay 24 Oras reporter Nelson Canlas na minabuti niyang paghandaan ang role.

Sambit niya, “When The Gift was given to me, of course I had my apprehensions.

“Paano kung hindi ko ma-deliver ng maayos ito? Coming from the fact na, 'yung role ko is magiging bulag. Parang how would I give justice to this? I've never done anything like this.

“So talagang nag-ayos kami ng schedule to really immerse in the culture of the blind people.”

Maalalang noong Agosto, sumailalim sa isang blind immersion ang Kapuso actor sa tulong ng Resources for the Blind Inc.

Maliban doon, natuto rin maglako ng paninda sa Divisoria si Alden kasama ang ilan niyang co-stars.

Makakasama ni Alden sa The Gift sina Mikee Quintos, Thia Thomalla, Jo Berry, Elizabeth Oropesa, Jean Garcia, at Martin del Rosario.

Mapapanood ang The Gift ngayong Setyember sa GMA Telebabad!

Panoorin ang buong chika ni Nelson Canlas:


WATCH: Alden Richards, sumailalim sa isang blind immersion para sa 'The Gift'

WATCH: Alden Richards, sumabak na sa first taping day ng kanyang bagong serye