What's on TV

WATCH: Alden Richards receives gift from viral look-alike priest

By Marah Ruiz
Published October 4, 2019 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipina nurse killed in tragic accident outside Sacramento VA Medical Center
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Noon pa man, gusto nang makilala ni Fr. Joseph Panaligan si Alden Richards para magpasalamat sa library na inihandog ng 'Eat Bulaga' at tambalang Alden at Maine Mendoza para sa komunidad nila.

Nag-viral noong nakaraang taon si Fr. Joseph Panaligan, isang pari mula sa Pangasinan, dahil sa pagkakahawig kay Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Noon pa man, gusto nang makilala ni Fr. Joseph si Alden dahil gusto nitong magpasalamat sa library na inihandog ng Eat Bulaga at tambalang Alden at Maine Mendoza para sa komunidad nila.

Bukod dito, nais din niyang imbitahin ang aktor para sa 10th anniversary ng parokya sa susunod na taon.

Nagkaroon naman si Fr. Joseph ng pagkakataong bumisita sa set ng pinagbibidahang inspiring GMA Telebabad series ni Alden na The Gift.

Nagdala pa siya ng isang meaningful gift para kay Alden--ang 100-year-old statue ng Sto. Niño na bahagi ng koleksiyon ng kanilang parokya. Bukod dito, binigyan din niya ng libro tungkol sa kasaysayan ng Nuesta Señora dela Salud si Alden.

"Nakakatuwa kasi 'yung value niya is more than anything else. It's priceless. Binigay sa akin 'to nina Father as a gift, parang mas nakaka-motivate na gumawa ng mabuti sa buhay," pahayag ni Alden.

Masaya naman si Fr. Joseph na makilala na sa wakas ang kanyang look-alike na si Alden.

"Overwhelming. Masaya siyempre sa pagkakataon na makaharap, maibigay ang maming regalo para kay Alden. Sana ay maranasan niya 'yung tunay na kaligayahan na nagmumula sa tunay na regalo sa buong mundo, ang ating panginoon Hesus," aniya.

Panoorin ang kanilang pagkikita sa buong ulat ni Mariz Umali para sa Unang Hirit.




Samantala, patuloy na panoorin si Alden sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.


Alden Richards, itinuturing na 'best gift' ang pagiging aktor

Alden Richards, humuhugot ng inspirasyon sa Divisoria para sa 'The Gift'