What's on TV

Alden Richards, itinuturing na 'best gift' ang pagiging aktor

By Marah Ruiz
Published September 15, 2019 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News



Malaki daw ang ipinagbago ng buhay ni Asia's Multimedia Star Alden Richards simula nang maging aktor siya.

Malaki daw ang ipinagbago ng buhay ni Asia's Multimedia Star Alden Richards simula nang maging aktor siya.

Kaya naman ito ang itinuturing niyang "best gift" na natanggap niya sa kanyang buhay.

"'Yung pagiging aktor ko po [ang best gift na natanggap ko]. With this gift, binago po nito 'yung buhay ko. Pero as much as it's changing my life, I'm changing others as well through the inspiration they get through the projects that I make, especially po the fans," pahayag ni Alden.

WATCH: Alden Richards reveals anxieties about remaining relevant

Kaya naman naging layunin na niya ang maka-inspire ng mga tao sa mga proyektong pinipili niya ngayon.

"Ang ikinatutuwa ko po kasi is mahal ko po 'yung trabaho ko. Mas minahal ko po siya kapag meron po akong nababasang comments, 'yung mga lumalapit sakin. 'Alden, ang ganda ng ginawa mo, 'yung ganitong klaseng project. You changed my life,'" kuwento niya.

"Siguro 'yun po 'yung nagiging goal ko sa lahat ng ginagawa kong proyekto.

"Gaano ba kalaking inspirasyon ang ibibigay nito sa mga manonood and sa sarili and sa mga co-actors and everyone that's involved in the creative process?" dagdag pa nito.

Sa tingin niya, ito daw ang "higher calling" ng mga aktor.

"Siguro 'yun po talaga 'yung higher calling ng trabaho po naming lahat. Hindi lang po kami artista, hindi lang po kami nagpo-portray ng mga role, hindi lang po kami nakikita sa TV, but the higher calling po sa aming mga aktor is to really give inspiration to people, especially po sa mga kababayan nating Pinoy," aniya.

Inspirasyon din ang hatid ng pagbibidahan ni Alden na upcoming GMA Telebabad series na The Gift.

Gaganap siya dito bilang si Sep, isang simpleng Divisoria vendor na mabibigyan ng kakayanan makita ang nakaraan at hinaharap matapos niyang mabulag.

The Gift: Kilalanin si Sep | Teaser

Dahil dito, magsisilbi siyang pag-asa ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero kaakibat noon, may mga tao din na nais siyang gamitin para sa sarili nilang ambisyon.

Abangan ang pagbabalik ni Alden sa primetime sa The Gift, simula September 16, pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.