
Bukod sa pagwo-work out para mas maging toned pa ang kanyang katawan, may dagdag pang training si Kapuso actor Alden Richards para paghandaan ang kanyang upcoming series na Victor Magtanggol.
"I'm doing Parkour now para meron po tayong mai-offer na bago sa mga action scenes," bahagi ni Alden habang ipinapakita ang mga kalyong nabuo sa kanyang kamay.
Ang Parkour ay maihahambing sa obstacle course kung saan kailangan mabilis na tumakbo, umakyat, tumalon at iba pa para makagalaw sa isang lugar.
"Naisip ko siyang gawin kasi parang siya 'yung magagamit talaga na skill. Kasi 'yung talon sa mga bubong, 'yung mga pagbaba from a certain floor to another floor, ganoon siya ka intense," dagdag pa ng aktor.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras: