
Matapos ang ilang linggo na pag-aabang ng mga manonood ng Kapuso Mo, Jessica Soho, dumating na ang DNA results ni Ryan Mendoza, isang OFW na umuwi ng Pilipinas para hanapin ang kaniyang tunay na ina,
Sinubaybayan ng mga manonood ang paghahanap ni Ryan sa kaniyang ina at ang ilang beses niyang pagkabigo. Pero hindi pa rin siya sumukong makikita niya ang kanyang tunay na ina.
Naging malaki ang epekto ng suporta ng mga manonood kay Ryan.
Aniya, “Natutuwa naman po ako, kasi nakikita ko po ‘yung iba, sasabihin nila [sa akin] na ‘Kuya, sana makita mo na ‘yung hinahanap mo. Parang po dun sa paghahanap ko, sa journey ko, kasama ko sila.”
Pakiramdam din daw ni Ryan, malapit na niyang mahanap ang kaniyang tunay na ina. “May kutob po ako pero ayoko po umasa kasi ayoko ma-disappoint kasi mamaya, negative ‘eh.”
Bukod sa matagal na paghahanap ng posibleng ina ni Ryan, matagal din ang proseso na pinagdaanan para sa DNA test ng mga nag-presenta na ina niya kaya naman halo-halo na ang emosyon niya.
“Gusto mong matuwa dahil may mag-popositibo, gusto mong malungkot kasi may mag-ne-negatibo. Kung puwede ko lang silang kunin pareho okay lang ‘eh, aangkinin ko pa rin na pareho [silang] nanay ko.”
Sa dalawang ginang na dumaan sa DNA test, isa ang nag-positibo, isa ay negatibo. Sino ang tunay na ina ni Ryan Mendoza?
Alamin ang resulta ng DNA test ni Ryan Mendoza na inabangan ng buong bansa sa Kapuso Mo, Jessica Soho:
Video from GMA Public Affairs
WATCH: Ang paghahanap sa tunay na ina ni Ryan Mendoza