What's Hot

WATCH: Ano ang nagpapakilig kay Barbie Forteza?

By Jansen Ramos
Published February 9, 2020 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Water interruption hits parts of Metro Manila, Cavite after Maynilad pipe got damaged
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE
Philippine Half Marathon Series 2026 boosts local sports tourism across six cities

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang nagpapadagdag ng pogi points sa boyfriend ni Barbie Forteza na si Jak Roberto?

Ang mga on-screen couple na tinitilian ng mga fans, may kanya-kanya rin palang kinakikiligan in real-life tulad na lamang nina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Para kay Barbie, extra pogi point para kay Jak tuwing nagbibigay ito ng effort kahit na abala ang aktres sa kanyang seryeng Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday.

"Mas kinikilig ako kapag ume-effort siya ng hindi siya aware, 'yung gano'n," bahagi ni Barbie sa panayam ni Cata Tibayan sa 24 Oras.

"'Yung hindi kami nagkikita so siya 'yung gagawa ng paraan para magkita kami kahit medyo late na.

"Pipilitin pa naming lumabas hanggang kaya or pupunta siya sa bahay para lang magkita kami."

Para naman sa kanyang co-star na si Kate Valdez, marami raw rason para kiligin kahit na single dahil ang pagmamahal ay hindi lang nalilimita sa iyong special someone.

Aniya, kinikilig daw siya tuwing may regalo siya sa kanyang sarili. "Ako, sa maliit na bagay 'pag 'yung matagal mo nang gustong bilhin na hinihintay mo mag-sale or something, ganyan. 'Pag nakuha mo na, [nakakakilig.]"

Panoorin ang buong panayam dito: