
Nagbukas ang sexy Kapuso siren na si Arny Ross at ang kanyang boyfriend of nine years na si Franklin Banogon ng Bon Appetea sa Dasmariñas, Cavite noong Abril 2017.
Ito ang naisipang negosyo ng aktres dahil sa kanyang hilig sa mga matatamis na inumin. Timing dahil may business opportunity na dumating, “Nagkataon na merong binebenta ang Bon Appetea [kaya] naisipan naming mag-franchise dito sa Dasma kasi dito talaga ako nakatira so feeling ko mas ma-market ko siya nang maayos.”
Kapag walang showbiz commitments si Arny, all-around naman ang kanyang roles sa café, “Nagka-cashier ako, naggagawa ako ng milk tea kapag maraming tao [at] nagluluto ako. Na-e-enjoy ko na bawat araw [na] nakikita ko kung gaano karaming customers ang pumupunta.”
Patok ang negosyo ng Kapuso star kaya nakatutok siya rito, “Lahat [na] detalye sa business na ito, talagang inaalam ko.”
Ito ang “baby” nila ng kanyang longtime boyfriend, “Now, two months na ang Bon Appetea. Two months na rin akong walang pahinga, walang tulog kasi we’re opening at 10 a.m. and then nagko-close kami ng 12 m.n.”
Certified tatak Mars na ang Bon Appetea Dasma!