What's Hot

Auditionees sa role ni Big Bert ng 'Voltes V: Legacy,' nagpakitang-gilas

By Dianara Alegre
Published February 27, 2020 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

39 ‘fixers’ nabbed in LTO op around Metro Manila
LGU offices in Lambunao, Iloilo ransacked; cash, laptops stolen
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News



The search is on para sa role ni Big Bert ng 'Voltes V: Legacy'!

Inumpisahan na ni Direk Mark Reyes ang paghahanap sa gaganap sa role ng bigating member sa live action remake ng Voltes V: Legacy, na si Big Bert, nitong Biyernes, February 21.

Marami ang pumila para mag-audition sa nasabing spot at ilan din ang nagpamalas ng kanilang talento at galing para mapansin at mapili para sa karakter ni Robert o Big Bert Armstrong, ang mala-sumo wrestler sa laki ng katawan at driver ng ikatlong Voltes V machine na Volt Panzer.

Ayon kay Patrick Alfaro, isa sa mga nag-audition, ang lamang niya sa mga kasabay niyang nag-audition ay ang pagiging palaban niya sa buhay gaya ni Big Bert.

“Siguro po isa akong taong palaban na tulad ni Big Bert na kahit ano 'yung nangyari sa istorya nila, sa mga naging past po nila, lumalaban po sila,” aniya.

“At the same time, malakas kumain si Big Bert,” biro pa niya.

Giit naman ni Apollos Magsumbol na isa ring auditionee, “Nakita ko 'yung sarili ko kay Big Bert na medyo kahawig ko siya, medyo kasing tangkad, kasing taba may pangkaangas din.”

Pero kahit plus-size si Big Bert, martial arts expert din siya kaya isa rin ito sa mga katangiang hinahanap ni Direk Mark.

Samantala, bigatin din ang upcoming live remake dahil lahat ng ipalalabas ay kailangan munang dumaan sa Japanese company na namamahala rito.

Panoorin ang buong 24 Oras report upang malaman pa ang ibang detalye tungkol dito:

Auditionees line up for the role of Big Bert Armstrong of 'Voltes V: Legacy'

LOOK: Direk Mark's V-Day gift for 'Voltes V' fans