Celebrity Life

WATCH: Barbie Forteza recounts first heartbreak in latest vlog

By Cara Emmeline Garcia
Published September 19, 2019 2:31 PM PHT
Updated September 19, 2019 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza first heartbreak


Barbie Forteza admits having a crush on someone who is two years her senior. Read her mom's reaction here:

Napakuwento si Kapuso actress Barbie Forteza ng ilan niyang 'first' sa kanyang latest vlog.

Sa video, sinagot ni Barbie ang ilang tanong ng fans at kasama na diyan ang tungkol sa kanyang 'first heartbreak.'

Kuwento ni Barbie, naranasan niya ito nang magka-crush siya sa lalaking mas matanda sa kanya ng dalawang taon. Grade 4 pa lamang ang aktres noong panahong ito.

Naging close ang dalawa dahil sa pagsali sa Sabayang Pagbigkas team ng kanilang paaralan at nakauwi pa ng second place sa kompetisyon.

Nang ipinagdiriwang ang pagkapanalo, nahiwalay raw si Barbie at ang kanyang crush sa isang table ng fast food restaurant.

Sa hindi inaasahang palad ay nakita ito ng kanyang ina at hindi ito nagustuhan.

Sambit ni Barbie, “Hindi alam ni Mama na may crush ako na Grade 6.

“'Tapos galit na galit si Mama pero hindi siya nag-iskandalo dun sa restaurant.

“Na-gets ko na 'yun, 'tapos sinabi ko kay crush na, 'Kailangan ko nang umuwi at nandito na si Mama.'”

Nang sila'y nakauwi pinagsabihan raw si Barbie na huwag nang kausapin ang kanyang crush.

“Sabi ni Mama, 'Huwag na huwag mo nang kakausapin 'yang lalaking 'yan. Tigilan mo 'yan.'

“'Tapos hindi ako nagsalita, tumango lang ako. 'Tapos pagdating ko sa kwarto, iyak lang ako ng iyak. Grabe lang 'yun.”

Pero paliwanag ng aktres ay naintindihan niya ang desisyon ng ina ngunit nasaktan lang nang masabihang hindi na pwedeng kausapin ang kanyang crush.

“Although alam kong mali kasi nga 'yung age gap. At saka hindi ko nga sinabi kay mama, so, maling-mali yun.

“Alam n'yo naman 'yang mga magulang n'yo, sa side niyo 'yan lagi.

“So, wala namang harm kung magkuwento kayo sa kanila about your crushes, first love, problems, teenage problems.”

Panoorin ang buong vlog ni Barbie:

Mapapanood si Barbie sa Wagas: Wait lang… is this love? kasama ang kanyang boyfriend na si Jak Roberto, at ang kanilang kaibigan na si Kristoffer Martin, malapit na sa GMA-7.

READ: Barbie Forteza at Jak Roberto, masaya sa paglipat ng 'Wagas' sa GMA-7

Barbie Forteza, inamin na gusto niya muling gumawa ng indie film