What's Hot

WATCH: Betong Sumaya, nagkuwento tungkol sa kanyang naging girlfriend of one week na si Patricia Javier

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 3, 2020 9:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Habagat to bring cloudy skies, rains over parts of Visayas, Mindanao
#IndayPH: Wind Signal #1 hoisted over parts of Cagayan Province
On the Spot: Gabbi Garcia ate at these Paris restaurants during her solo trip

Article Inside Page


Showbiz News



Isang linggong pag-ibig ang namagitan kina Betong at Patricia Javier.


Wala pa sa radar ng showbiz sina Bubble Gang star Betong Sumaya at ang dating sexy actress na si Patricia Javier o Genesis Canlapan sa totoong buhay nang maging close sila sa Antipolo Municipal High School.

 

A photo posted by Alberto S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) on


Ayon sa panayam ng aktor sa FHM Philippines noong 2012, may gusto siya kay Patricia kaya naglakas loob siyang alalayan ang dating muse ng kanilang paaralan upang makasama siya palagi. Umamin siya ng kanyang feelings para sa kaklase at nauwi sila sa isang linggong relasyon. Nag-break din kaagad ang young couple dahil sa insecurity ng aktor.
 
Ibinunyag naman ni Betong sa Mars na niligawan niya nang husto ang aktres noong high school, “Ang tagal kong hinintay ‘yun! Sobrang tagal kong hinintay.”

 

A photo posted by Mars (TV Show) (@mars_gmanewstv) on


Sa kasalukuyan ay magkaibigan pa rin ang dating mag-classmates at may kanya-kanya ng buhay. Kung si Patricia ay may asawa na at mga anak, ang komedyante ay nanatili pa ring loveless.
 
“Wala, wala akong dine-date kasi madalas akong gumagastos,” pabirong sinabi ng in-demand comedian.
 
Kahit 44 years old na siya ay positibo pa rin ang kanyang pananaw sa pag-ibig, “’Pag darating, darating. Huwag na lang hanapin.” 


MORE ON BETONG SUMAYA:
 
READ: Comedian-TV host Betong Sumaya, aminado na malaki ang naitulong ng ‘Bubble Gang’ sa kanyang buhay
 
READ: Betong Sumaya on Maey Bautista: “Sobrang miss ko na ‘yong partnership namin”