
Di maipagkakaila na lahat ay nabighani sa naging transformation ni Sahaya dahil umani ito ng papuri at magagandang ratings.
Isang malaking aspeto sa transformation ni Sahaya ay ang long luscious locks ni Kapuso actress Bianca Umali.
Dahil dito, ibinahagi ng 19-year-old actress ang kaniyang tips and tricks for maintaining her long hair.
“Actually, mahirap talaga mag-maintain ng hair dahil sa iba't ibang nangyayari sa weather natin ngayon, lalo na at sobrang drastic ng changes.
“Pero for people like me na laging nasa dagat at kung anu-anong ginagawa sa hair like ironing, curling, and blow drying, my secret is I always wash my hair.”
WATCH: 'Sahaya' cast, halu-halong emosyon ang naramdaman sa transformation ni Sahaya
At dahil ang buhok ang crowning glory ni Bianca, napa-hair challenge pa siya sa Unang Hirit kasama si Luane Dy.
Watch and see how Bianca let her hair do the talking:
Makeover ni Sahaya, trending sa YouTube!
Patuloy na panoorin ang Sahaya, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kara Mia sa GMA Telebabad.