
Isa raw ang orange sa mga paboritong prutas ni Kapuso actress Bianca Umali.
Pero dala ng boredom, minsan daw niyang napag-trip-an na tanggalin lahat ng mga fiber o hibla na nakadikit dito.
"There was one time I was super duper bored so ang ginawa ko, ginawa ko siyang pampalipas oras. I thought na, would it be possible na magawa ko siyang super duper smooth," bahagi niya sa isang exclusive webisode mula sa GMANetwork.com.
Aminado si Bianca na weird daw ang tingin sa kanya ng ibang tao kapag nakikita nilang ginagawa niya ito.
"They say na why do you have to do that kung pwede naman nang kainin. It wouldn't matter naman talaga. Wala naman siyang naitutulong sa buhay ko, but yeah I still do it," aniya.
Panoorin ang life hack ni Bianca sa online exclusive video na ito: