
Malapit na naman ang araw ng mga puso at siguradong marami ang lalabas para mag-date. Pero paano kung pagkatapos n'yong kumain, wala ka palang dalang cash?
Para kina Bubble Gang comedians Mikoy Morales at Roadfill, aamin na sila agad sa kanilang dine-date at hindi na magpapalusot para iwas pahiya.
“Sabihin ko na lang. 'Excuse me, magwi-withdraw ako.' Sabihin ko na lang, deretsuhin ko na 'yun. Aaminin ko 'yun kasi pag-date, kahit ano mishaps mangyari best way to go about it is be really honest with it,” sagot ni Mikoy.
Dagdag naman ni Roadfill, “Be honest. Sabihin mo naiwan mo 'yung pera mo kasi kung panay palusot ka lang nang palusot, mapapahiya ka lang mas lalo ka lang magmumukhang tanga at magmumukhang sinungalin, pangit na impression 'yon.”
Iba naman ang sagot ni Betong Sumaya, “'Yung ka-date mo na lang siguro 'yung pagbayarin mo parang, 'Excuse me pero pwede bang bayaran na lang kita mamaya pagkatapos natin.'”
Papaano naman kung hindi dumating ang iyong ka-date at kung dumating man, siya ay tahimik?
Alamin kung ano gagawin nina Mikoy, Betong at Roadfill kapag nangyari sa kanila 'yan sa report na ito:
<iframe src='https://www.gmanetwork.com/news/video/unangbalita/487793/bubble-gang-boys-may-tips-para-iwas-sablay-ang-valentines-date/evideo/' width='100%' height='380' controls=0&showinfo0=0 frameborder='0'></iframe>