
We all have that one friend na buwis-buhay talaga sa ngalan ng selfie at social media posts.
Ang isang barkada sa Cebu, umaakyat sa mahigit 60-feet na rock formation para mag-diving at ma-picture-an.
Binsagang “Triple Drop Falls” ang Binalayan Hidden Falls ng travelers dahil nahahati sa tatlo ang tubig na rumaragasa mula sa talon. Perfect daw ito para sa thrill-seekers na gustong magpakitang gilas sa kanilang travel photos.
Kuwento ng isang resident na si Nelgie Boreros, “Kapag boring sa bahay, nagyayayaan kami ng mga kabarkada ko na pumunta rito sa falls para maligo.
“Para sa mga gusto ng adventure o mag-selfie, maganda talaga 'yung view dito sa 'min.”
Mayroon din namang diving spot para sa mga hindi gaanong extreme, ang Cangcalong Falls na umaabot lang ng 10 feet ang taas ng talon.
Tignan ang iba pang magagandang selfie spots sa Cebu sa Kapuso Mo, Jessica Soho:
Jessica Soho on her trending taglines: "Nakakapressure rin."
IN PHOTOS: Jessica Soho inks exclusive contract with GMA Network anew