What's Hot

WATCH: Cast ng horror-thriller na 'Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko,' aminadong matatakutin

By Marah Ruiz
Published June 8, 2019 12:35 PM PHT
Updated June 8, 2019 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mav Gonzales, isinilang na ang baby girl nila ni Matthew Valeña
1 dead, 3 hurt after truck rams 5 vehicles in South Cotabato
Homegrown luxury jewelry brand is making waves in the global diamond industry

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit nag-isip muna nang matagal si Kris Bernal bago niya tinanggap ang horror-thriller project na 'Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko?'

Horror-thriller man ang upcoming GMA Afternoon Prime series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, aminado naman ang mga lead stars nito na matatakutin daw sila sa tunay na buhay.

Kris Bernal, Rayver Cruz, at Megan Young
Kris Bernal, Rayver Cruz, at Megan Young


Sa katunayan, matagal daw bago napagdesisyunan ni Kris Bernal na tanggapin ang kanyang role dito dahil sa tema ng serye.

"Hindi mo masabi eh. Baka 'yung bad spirit nandiyan sa 'yo. Mapalapit ka kasi ginagawa mo siya eh. Dito sa show na 'to, kailangan mas strong 'yung faith ko, mas naging madasalin ako," pahayag niya.

Naalala naman daw ni Megan Young dahil sa show na ito ang creepy experience niya sa luma nilang bahay.

"Doon sa dati naming bahay, feeling ko may nanonood sa akin habang natutulog ako. So ginagawa ko, laging nakabukas ang pinto, laging dapat nandoon 'yung cat namin--sa kuwarto natutulog," aniya.

Si Rayver Cruz naman, parating kinakausap ang kanyang yumaong mga magulang.

"Honestly, takot talaga ko sa mga ganyan. Minsan nga kinakausap ko 'yung [parents ko]. Sobrang love ko si Mama tsaka si Papa, pero kinakausap ko sila na sa panaginip na lang po [tayo magkita]," natatawa niyang pahayag.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: