
Sa husay sa pag-arte ng ilang favorite Kapuso actors natin, lahat ng klaseng karakter ay kaya nilang gampanan.
Kaya ngayong Pride Month, taas-noo sila sa pagganap at pagbida sa makukulay na buhay ng ating mga Kapuso mula sa LGBT community mapa-telebisyon man o pelikula.
Isa na rito si Martin del Rosario, na bukod sa kaniyang good looks ay unang nakilala sa mga independent film.
Ayon kay Martin, hindi isyu sa kanyang tumanggap ng gay roles dahil bukod daw sa hindi pagtanggi sa opportunities ay mas naipapakita niya ang pagiging isang versatile actor.
“Gusto kong i-expand 'yung knowledge ko when it comes to acting,” aniya.
“At madalas sa mga experiences ko sa mga ganito, dito ako mas natututo.
"And sabi ko nga before na kung mas challenging, mas tinatanggap ko siya.”
Martin del Rosario does not mind being stereotyped as gay in his portrayals
Maliban kay Martin, nakilala rin sa kanyang gay roles ang aktor at licensed pilot na si Kevin Santos.
Sa katunayan, ang karakter niya bilang si Daboy sa Daddy's Gurl ang isa sa nagbibigay saya at katatawanan sa weekly series.
Pahayag niya, “Komportable naman sa role kasi 'di naman bago sa akin.
“Marami na akong gay roles na ginawa pero, siyempre, kada gay roles na ginagawa ko ay iba't iba ang atake.”
Para naman kay Kelvin Miranda, ang pagtanggap sa gay role ay isang oportunidad para sabihin sa manunuod na lahat tayo ay pare-pareho.
Aniya, “Equality at 'yung respeto sa isa't isa [ay importante] at lahat ng tao kailangan respetuhin.”
Kindly embed: https://www.instagram.com/p/BwbHjIDHvlY/
Happy Pride Month mga Kapuso!
Panoorin:
IN PHOTOS: Actors who portrayed gay roles