
Para daw kay Kapuso hunk David Licauco, nagsimula ang kanyang career nang itanghal siyang first runner up ng male beauty pageant na Mr. Chinatown noong 2014.
Bago daw siya sumali dito, palagay niya ay kulang siya sa confidence.
"Siguro the body was with me na. Siguro 'yung confidence and the way you present yourself is very important in modelling 'di ba? I guess 'yun, kulang ako sa ganoon and mahiyain [ako]," paliwanag ni David.
Ang pagkapanalo niya dito ang nagbukas ng mga pinto para sa modelling, at eventually sa showbiz career niya.
"Kasi noong sumali ako, maraming nagka interes sa akin sa modelling eh," ani David.
"If hindi ako dumaan doon sa path na 'yun, if I didn't join Mr. Chinatown, hindi ko mami-meet 'yung mga taong nag-help sa akin sa modelling to be where I am right now," dagdag pa niya.
Noong 2016, naging ganap na Kapuso si David. Ilang sa mga naging proyekto niya ang higanteng telefantasya na Mulawin VS Ravena. Kasalukuyan din siyang napapanood sa GMA Telebabad series na TODA One I Love.
Panoorin ang feature ng programang Tunay Na Buhay kay David:
From GMA Public Affairs
WATCH: David Licauco, nakakaranas daw ng sleep paralysis