
Sweet na sweet ang ating Sabado ng gabi para sa ikalawang bahagi ng Negros adventure ng Taste Buddies.
Ilang historical sites ang bibisitahin nina Solenn Heussaff at Rhian Ramos kasama na rin ang pagtikim nila ng masasarap na dishes mula sa iba't ibang must-see places sa Negros.
Kasama rin nila ang Kapuso love team na sina Derrick Monasterio at Bea Binene sa isang sweet na sweet na getaway. May sarili namang yummy food trip ang hunk na si Ervic Vijandre.
Samahan natin sila ngayong Sabado, 8:45 p.m. sa GMA News TV.