GMA Logo Derek Ramsay Taal victims
What's Hot

WATCH: Derek Ramsay, personal na nag-abot ng tulong sa Taal victims

By Dianara Alegre
Published January 15, 2020 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Derek Ramsay Taal victims


Personal na namahagi ng relief goods si Derek Ramsay sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Personal na nagtungo ang Kapuso actor na si Derek Ramsay para maghatid ng relief goods sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal, nitong Martes, January 14.

Pumunta si Derek sa evacuation center sa Inosloban-Marawoy Elementary School sa Lipa City at personal na namigay ng packed relief goods.

Pinagkaguluhan din si Derek at maraming nagpakuha ng litrato kasama siya.

Ayon sa aktor, may bahay siya at kanyang pamilya sa Tagaytay kaya kahit sila ay nalungkot sa sinapit ng kanyang bayan.

Malaki rin ang simpatya niya sa mga nabiktima ng pag-aalburoto ng bulkan.

Nanawagan din si Derek sa publiko na tumulong sa kahit anong paraan na kaya nila.

Kaugnay nito, ipinost niya ang listahan ng evacuation centers sa Lipa sa kanyang social media accounts para sa mga nais na magbigay ng tulong sa mga nasalanta.

Panoorin ang pagbisita ni Derek sa evacuation center:


LOOK: Dingdong Dantes and other celebrities spread awareness about Taal Volcano eruption

IN PHOTOS: Celebrities send prayers, reminders amid Taal Volcano unrest