What's Hot

WATCH: Dingdong Dantes at Marian Rivera, payag na mag-artista si Zia

Published January 18, 2019 11:42 AM PHT
Updated January 18, 2019 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UK police under pressure after dying student was handcuffed
CCTV captures residents dumping trash in another barangay in Bacolod
Gabbi Garcia and her mom share make-up tips in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News



Pumayag na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sumabak sa pag-aartista si Zia pero may kondisyon.

Pumayag na ang celebrity parents na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sumabak sa showbiz ang kanilang anak na si Zia pero kailangan magtapos muna siya ng kaniyang pag-aaral.

Zia Dantes
Zia Dantes

Kuwento ni Marian, isang beses ay sinama niya sa set ng Sunday PinaSaya si Zia at sinabi nito gusto niyang mapanood ang kaniyang sarili sa TV.

“Kung ano ang gusto niya, okay naman kami ni Dong as long as magtapos muna siya ng pag-aaral parang ako.”

Inamin ni Marian na ready na silang pamilya sa pagdating ng bagong baby at kumpleto na ang mga damit nito.

“Nakakatuwa, nakatipid ako ngayon kasi siyempre ang dami kong na-recycle from Zia na mga gamit,” ani Marian.

Tapos na rin silang magpa-4D ultrasound at ayon kay Marian, kamukha ni Dingdong ang kanilang magiging anak.

Panoorin ang buong report ng 24 Oras:

Video courtesy of GMA News