
Nakisaya si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa ilan nating mga kababayan abroad.
Kabilang si Dingdong sa nakisaya sa pagdiwang ng Philippine Independence Day at Filipino Heritage Month sa naganap na Pinoy Fiesta and Trade Show sa Metro Toronto Convention Centre sa Canada.
Ayon sa StarStruck host, maraming beses na siyang bumabalik sa Canada dahil he feels “at home" tuwing nakikita ang mga kababayan abroad.
“It's the warmth of the people and being Pinoys, there's this distinct characteristic that keeps me want to come back for more.”
Pagkatapos ng show, naki-meet and greet si Dingdong sa kanyang fans.
May special participation din siya sa coronation night ng Miss Teen Philippines Canada at Miss Philippines Canada 2019.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas:
READ: Dingdong Dantes seeks AFP's help for 'Descendants of the Sun' role